Maligayang Pagdating sa ating On-line Classroom!
Sa mga mag-aaral ng Juan Luna Elementary School, baitang IV at mga pangkat Rizal, Gomburza, Bonifacio, Del Pilar, Jacinto, Baltazar at Mabini; narito kayo ngayon sa Juan Luna Elementary On-Line Classroom (http://jlesmyclassroom.yooco.org) na pinamamahalaan ng inyong guro sa MAPEH na si Ginoong Christopher D. Samarita. Ang site na ito ay binuo upang maging inyong silid-aralan kahit wala kayo sa mismong paaralan. Ang mga lecture , assignments, tutorials, quiz at iba pang material na nauugnay sa inyong pagkatuto sa MAPEH ay ia-upload ng inyong guro dito.
Bago kayo makasali sa komunidad na ito ay marapat na basahin, intindihin ninyo ang mga sumusunod:
1) Kailangan ninyo ng e-mail address (Magtungo sa http://www.google.com.ph at lumikha ng inyong g-mail account)
2) Sa pag-register sa komunidad na ito ay kailangan ng active e-mail address gaya ng g-mail account.
3) Hindi pahihintulutang makasali ang mga may pangalan o username na bastos o mapang-insulto o di-kaaya ayang basahin.
4) Agad iki-kick at iba-ban ang sino mang may bastos na pangalan o gaya ng inilalarawan sa bilang tatlo (#3).
5) Agad ding iki-kick at iba-ban ang sino mang mapo-post ng bastos na salita sa forum, chatroom at shoutbox, mang-insulto, mag-mura, at mambastos sa mga miyembro ng komunidad na ito. Lalung lalo na ang mag-post ng mga hindi kaaya-ayang mga larawan.
6) Ang madalas na paglabag sa panuntunan ay maaaring humantong sa pagpapatawag sa magulang at pagre-report sa guidance ng eskwelahan ang mga ginawa ng lumabag.


